Hi! smile emoticon Nakilala ko tong guy dahil sa friend ko. Matagal bago kame nagkausap ksi grupo kami paglumalabas. Matangkad sya so di na ko nagulat na basketball player sya nagulat lang ako na naglalaro pala sya sa PBA (di kasi ako fan ng basketball) So ayun naging close kami. Minsan hinahatid nya pa ko, niyayaya nya ko manuod ng game at dinner after. Medyo nag assume ako ng bahagya kasi iba ung pinaparamdam nya eh. Parang kayo pero walang label.
Hanggang sa may nangyari samin sa unit nya. Lalo tuloy ako nakaramdam na sguro nga may chance na love na to. Hanggang sa tinanong ko sya kung ano bang meron samin? kasi nabigay ko na lahat eh. Sinabi nya na mahal nya ko at alam nyang ganun din daw ang nararamdaman ko skanya. Ayun, may nangyari ulit. Tapos biglang cold na. Busy daw sya sa practice ganun. Inintindi ko naman, mga ilang araw nakalipas, wala na talagang paramdam. Nangungulit na ko sa text at call wala pa din. Di na din sya sumasama sa mga friends namin. Nalaman ko na lang sa friend ko na may girlfriend na pala sya. Bago lang daw. Nagulat din sla kasi nga akala nila kami dahil sweet kami eh. Nililigawan nya pala ung girl habang nakikipaglandian sya sakin. Mahal? naku libog lang ata ung naramdaman nya at hindi pagmamahal. Ginamit nya un para makuha ako. Engot ko naman at naniwala ako. Kaya pala lagi nakatago phone nya pag magkasama kami. Nakakainis lang. Ang inspiring pa naman nung kwento nya sken kung paano sya nakagraduate at nakapasok ng PBA kaya akala ko sincere sya. Ayun naloko ako. Sa susunod di na ko magpapauto. Goodluck sa kanya. Masakit man, may natutunan naman ako. Medyo bitter nga lang pag naririnig ko name nya pero part yun. Di ko na sya sinubukang kausapin kasi may mali din ako. Wala namang malinaw na relasyon kaya hirap manumbat. Next time, wag ka na gagamit ng salitang mahal kita kung katawan lang din pala gusto mo. Nakakasakit ka kasi. Yun lang. Makakahanap din ako ng tunay na love hndi lang lust.
Sino si guy?
Shooting Guard #3
Shooting Guard #3
-WendyMikesell
Comments
Post a Comment