Gusto ko lang humingi ng unbiased opinion kase ako ay gulong gulo na.
Yung girlfriend ko eh nabuntis ko we're only together for 2 months(bilis noh? ang libog namin kasi eh. almost everyday kami hahah). But the truth is, hindi ko talaga siya mahal as in mahal na gusto mong makasama habang buhay. Siya yung may feelings talaga saken. at naging kami lang due to peer pressure along with ginawa ko siyang rebound kasi nasasaktan talaga ako sa ginagawang pag-friendzone sakin nung taong mahal ko talaga.
Ala naman akong balak takbuhan ung baby, handa naman akong supportahan ung baby, ill give financial support. Its just that ayokong magpakasal sa kanya kasi sa ngayon, di ko siya mahal. what im feeling for her is just a very strong friendship or parang kapatid turing ko sa kanya. inaway nia ko, she cried a whole lot. she was really getting miserable.
ayokong nakikita siyang ganun at pag iniisip ko, ginawa ko din to. di lang naman siya ung gumawa nun, why would she be the only one who will suffer? so i decided na sige, i'll try to work things out. ang gusto ko sana eh we'll just get to know each other more, live in muna. pumayag naman siya.
ngayon, yung family nia eh kinukulit akong magpakasal before ipanganak ung baby otherwise ilalayo nila siya at ung baby sakin. family ko naman ayaw, they're saying na msydo pang maaga. ilang buwan pa lang daw kasi kami kilalanin daw muna namin ng maayos ung isa't isa.
eh eto, iniyakan na naman ako niya at truthfully, ayoko naman siya mag-isa lang din. so pumayag ako, kahit na ayaw ng parents ko at alam kong magagalit at parang itatakwil na ko ng family ko. pero sabi ko eh mga july pa. the reason is that I want to at least give time n mag-cool down ung parents ko at baka if ever eh i-approve nla at sumama dun sa kasal. okay na siya dun.
eh kaso ito na naman, ung kuya nia bakit daw july pa. gusto asap na ung kasal at ayaw n magsama kami unless kasal. truthfully, narereach ko na ung limit ko. sinasagad nila ako talaga. gusto kong i-give up na talaga kaso iniisip ko si mel. i dont want her to be a single parent... so anung gagawin ko?
mas complicated pa ung situation pero msyado ng mahaba so okay na yan.
- Confused Lito
Comments
Post a Comment